(Compiled by Melissa Alexandra Pal, SU Masscom intern)
Para sa akin, excellent, kasi maganda ang venue, maganda ang opening program, mga palabas, tsaka mga tao rin, okay ang mga tao dito sa Dumaguete. [I] hope sa susunod ulit. — Liwayway dela Cruz, Special Events coach, Cagayan Valley/Region II
Masasabi ko sa billeting [quarters], the best din, syempre may TV! Tapos yung venue, okay talaga kasi comfortable yung maglaro kami, tsaka kahit medyo madulas, okay pa rin. — Airah Alzado, Table Tennis player, Western Visayas/Region VI
Sa venue namin sa table tennis, madulas talaga siya, pero okay lang po kasi aircon naman, ‘di mainit. Tapos okay yung mga technical officials, mababait sila…okay din sila mag facilitate sa laro. Sa billeting [quarters] namin sa West City Elementary School, maganda talaga doon. Masaya dito sa Dumaguete.” — Marjo Grace Saldajeno, Table Tennis player, West Visayas/Region VI
On a scale of 10, I’ll give it a 10 kasi hindi naman [sa nagiging] biased lang ako kasi yung wife ko taga rito; love ko talaga ang Dumaguete syempre. Yung [billeting] quarters naming [is] okay, yung venue [is] okay. Actually, it’s more than okay. Lalo na yung mga tao dito, napaka gentle talaga. Wala kaming bad experience, puro good experience; very warm sila (the people), lalo na [sa] mga kasama naming mga special kids, they really treat them nice. — Michael Montales, Special Events coach, Mindoro-Marinduque-Romblon-Palawan/Region 4-B
Maganda dito! Maganda ang pinapakita ng [mga] taga rito. Tapos, yung venue namin, maganda rin. Tapos yung food namin, okay talaga. — Richard Kewan, Cordillera Autonomous Region
Very accommodating at tsaka hospitable ang mga tao dito. Okay ang facilities, okay ang opening program, okay ang laro… pati yung officiating [officials]… Accessible yung daan [from the billeting quarters] to the playing venues. — John Basco Guanlao, Athletics coach, Central Luzon/Region III
The opening ceremony was very elegant. Although I was not at the Perdices Stadium that time, we saw it on TV. It was very nice because the lighting of the urn was during the evening, so the light was emphasized. Everybody was happy… although they waited long, still, it was done smoothly and the facilities are also very good. In our [billeting] quarters, everything was okay — there was water and electricity, the school was nicely painted, there were gardens, and the school is fenced. — Susan Borge, chaperone, Davao/Region XI
Sa tingin ko, okay naman. Mas organized sila dito sa Negros Oriental, tsaka maganda yung venue especially dito sa swimming pool, ma-accommodate halos [lahat] yung [mga] tao, compared sa yung napuntahan namin in the previous years na medyo masikip yung area, it’s either walang bubong, ganon… Dito, na-accommodate lahat ng maayos, tsaka yung venue nyo, halos lahat nandito na… so sa tingin ko, maganda talaga dito. — Margie Rojo, parent of athlete, West Visayas/Region VI
Wala akong masasabi dito sa Dumaguete… lahat ng athletes [were] welcome, lahat ng delgates, especially yung mga tricyles, okay [sila.] The food [there is] no problem, [with] the venue, [there is] no problem… yung tirahan ng mga bata, no problem [din.] Na feel namin yung pagsalubong sa amin ng [mga] tao ng Dumaguete. — Henry de Jesus, parent of athlete, National Capital Region
Actually, organized siya talaga…so, maganda. Halos parehas dun sa dati kong nalaro sa Palarong Pambansa [2012. pero maganda dito. Kaso nga lang do’n sa awarding, maliit lang ang stage. Hindi makatayo lahat ng swimmwers do’n sa block ko. — Alnair Guevarra, swimmer, National Capital Region
Ito ang pinakamagandang Palarong Pambansa napuntahan ko kasi malinis dito, pati maayos [ang pagtakbo ng mga events.] — Nicole Meah Pamintuan, swimmer, Calamba-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon (CaLaBaRZon)/Region IV-A
Okay [dito] pati yung pakikitungo nila sa amin sa Negros Oriental. Maganda po yung facilities at yung mga palaruan nila, maganda rin. Pati yung mga pagkain masasarap.” — Christain McDuane Helar, lawn tennis player, Zamboanga Peninsula/Region 9